Maikling Kuwento: Ang Ate Kong Bading

Ako nga pala si Joey. Nakababatang kapatid ng may-ari ng sikat na parlor doon sa kanto. Siya ‘yong laging number 1 sa konsehal tuwing may halalan sa barangay. Kaisa-isa kong kapatid na laging kinukuhang sagala kapag may Santacruzan tuwing Mayo. Tagapagtanggol ko at sa tuwina ay pinadadalhan ng sobre kapag may mga fund raising sa ating purok. Siya ‘yong utangan ng bayan. Anak ni Mang Josefino at Aling Marina. Kilala n’yo na? Hindi pa? Puwes, siya ‘yong kuya ko na piniling tawagin kong “ate”.

E ano ngayon kung bakla ang ate ko? Wala na naman akong magagawa  ro’n. Wala ka rin namang magagawa, di ba? Tulad din niya. Wala rin kaming nagawa kung sino ang aming naging magulang at kanunununuan. Sabi kasi nila, namamana raw ang kabaklaan. Baka raw nasa genes ng Tatay at Nanay namin. Sabi ng ilan, sobra raw kasi ng isa ang mga chromosomes ng mga lalaki. Baka raw lumabas na mas matimbang ‘yong pambabaeng katangian sa ate ko. Pero hanggang ngayon ay  pinagtatalunan pa kung tutuong nature o nurture ang pagiging binabae. Wala pa ring nananalo. Wala pa ring nagpapatalo.

Kaya, gumawa pa ang taong mapaghusga ng ikatlong kasarian. Hindi na lamang pumirmi sa dating basihan na lalaki at babae. Ang masama, ginawa pang third kind o ikatlong uri. Gayunman, marami pa rin ang hindi nakakatanggap sa mga uring ito kahit na nga naglipana na sila sa mga pelikula, telebisyon, radyo at peryodiko. Kahit nasasalubong natin ang mga ito sa mga kalye, kasabayan sa LRT at MRT, katabi sa bus at jeep, kabungguan sa mall at palengke, pinagpapagupitan natin at nagpapaganda sa atin. Kadalasan nga ay sila ang unang karanasan ng mga lalaki sa kanilang pagbibinata.

Read the end of the article at http://detektibgapo.blogspot.com/2017/08/ang-ate-kong-bading-part-1-of-4.html

Written by

ceapvkenya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *